in ,

Nasa huli ang pagsisisi – Jeric Raval aminadong hindi OK sa pagiging chickboy noon dahilan ng pagkakaroon ng maraming anak ngayon

 

Tila umangay muli ang pangalan ng action star na si Jeric Raval sa social media matapos itong makatanggap ng iba’t ibang pambabatikos sa netizen sa kadahilanang pagkakaraon ng labinwalong (18) na anak at pakikipag relasyon sa maraming babae.

 

 

Pero amindo ang aktor sa mga pagkakamali nito.

“Kung huhusgahan nila ako dahil lang nagkaroon ako ng anak na labinwalo, what more yung mga nagkaanak ng 88?” tanong ni Jeric.

 

 

Sinabi din nitong hindi siya nagsisisi kung anong stado niya sa buhay lalo na’t ang pagkakaroon ng maraming anak at asawa, ngunit para sa kanya kung maibabalik lang daw ang panahon ay hindi na siya mambababae at mag-aanak ng marami.

 

 

Sa isang panayam sa aktor, sinabi nitong siya mismo ang nasasaktan bilang isang ama sa tuwing may mga hinihingi ang kanyang anak pero wala siyang maibigay.

 

 

“Kung maibabalik ko yung panahon, hindi ako mag-aanak ng marami. Hindi ako mambababae.

“Feeling ko nga, ako si James Bond that time. Yun ang hindi ko daraanan ulit.

 

 

“Hindi naman ako milyonaryo, hindi naman ako mayaman, tama lang.

“May mga anak kasi ako na minsan, kapag may hinihingi na isang bagay at hindi ko naibigay, masyado kong dinaramdam.

 

 

“In fact, may isa akong anak, humihingi sa akin ng sasakyan. Nagpapabili ng sasakyan. Hindi ko naman maibigay agad, nalulungkot ako.

“Siyempre, nakikita nila yung mga anak ko kay Day na may mga sasakyan. Naaawa naman ako sa iba kapag nakikita nila.”

 

 

Apat anak ni Jeric Raval sa kanyang legal wife na si Holiday Buensuceso.

Sa pagpapatuloy niya “Hindi mo maiiwasang isipin na, ‘Bakit sila may sasakyan? Bakit kami hindi mo maibili?’

 

 

“Masyado kong dinidibdib yung ganoon. Sabi ko, siguro ito yung bunga ng mga mali ko na ginawa.

“Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami.”

 

Mariel Padilla ginulat ang marami sa kanyang new looks at timbang ngayon

Miles Ocampo received flowers and sweet hand written letters from Bimby Aquino